Our Flyff-ph Christmas Video making contest 2008 entry
December 29, 2008Wahhh it’s Pasko na naman sa ROIKA (Fly For Fun - FLYFF) world. Syempre ang dami na namang mga events at contests. Uhmm speaking of it, well there’s something we want to share to you guys… One of those event kase is movie making contest. - same as with what i posted before ( yung Love story movie). Yun nga lang eh ngayon it’s about “What I did this christmas”.
Although as i write this blog eh hinde ko pa napopost ito as entry sa contest (bukas na cguro-or later kse baka makakuha pa ng idea yung mga competitors hahaha), eh mas gunusto ko na rin na kayo ang unang makakita nito.
Here it is.. hope you’ll like it:
To tell you guys, mas matagal namin natapos to keysa yung sa una. Hirap kse ng concepts, editing at yung pinaka-final editing na puro ERROR. WAHHH!!! parang gusto na nga namin mag quit eh, biro mo till now eh ala pa ring entry yung contest bka nahirapan dinsilang gumawa or baka nagpapakiramdaman lang sila hehe.
The credits for the accomplishment of this movie should go to Bona - sa tyaga at super tiis niya sa mga numerous error ng computer na - “she to start opening the file over and over” at kay Edan - na matiyagang nagpuyat kasama ko para makuha yung mga footages / clips ng video.
Sa lahat ng eh salamat at naway, (MANALO KMI) este eh nagustohan nyo ang muting palabas na yan.
Till then, Chill out HO HO HO!
the Pet, the Treat and the Master.
December 20, 2008Oh it’s 1:00 AM already, way past bedtime and “computer-use” allocated time. uhm so much for that… I was about to sleep when i remember a “non-sense” story about a pet (i can’t remember what kind of pet it was but for the sake of the story, well just say that its a dog named Doggy).
So as every story begin, this one started with ONCE UPON A TIME, there was this pet na nagngangalang Doggy.
Masaya siya sa piling ng kanyang amo lalo na kung binibigyan siya nito ng pagkain at papuri sa tuwing nagagampanan nya ang mga pinapagawa sa kanya ng kanyang amo.
Naging masaya sila sa isat-isa sa mahabang panahon na sa akala ng lahat ay magpakaylanman. Subalit hinde naging ganoon ang nangyari, naisip ni Doggy na parang may nagbago ata. Hinde lang niya alam kung siya ba o ang amo niya ang nagbago.
Noong dati kase ay sa tuwing nakakawaga siya ng mga bagay na ikinatutuwa ng kanyang amo eh binibigyan siya nito ang pagkain o “treat” ikanga, ngunit sa paglipas na araw, buwan at taon, napansin niya na hinde na siya gaanong bibigyan ng kanyang amo ng treat, kaya ang ginawa niya ay mas lalo pa niyang pina-igi ang pagsunod at pagpapasiya sa kanyang amo.
Sinusunod niya lahat ng pinapagawa sa kanya, pinuprotektahan niya ang kanyang amo sa mga pagkakataong kailangan niya nito, at ginawaga niya ang lahat ng abot ng kanyang makakaya para mapagaan ang buhay ng amo niya.at pero umaasang manubalik ang dating pagtingin ng amo niya sa kanya at pagbigay ng pagkain.
Dumaan pa ang mahabang panahon at wala ring nangayari. At ang labis na pinagtataka pa ni doggy ay sa minsang pagtanggap niya ng pagkain galing sa kanyang amo ay walay wala na itong gaanong lasa o nawawalan na siya ng ganang magbiigay.
Minsan nga eh naisipan na ni Doggy na lumayas na lang at maghanap ng ibang amo, subalit ang labis na pinagtataka lang ni doggy ay bakit sa kabila ng lahat eh yung pagkain na galing sa amo niya ng kanyang hinahanap-hanap. Kaya cguro eh hanggang ngaun eh ginagawa parin nya ang lahat ng kanyang makakaya para manubalik ang samahan nila ng kanyang amo.
WAHHH im droopy na.. at wala na akong maisip nakatapusan ng story ko. kaya bago ko pa man kayo I chill-out eh iiwan ako sa inyo ng ilang katanungan:
1. Sino sa palagay nyo agn nagbago? Yung Pet?, Yung Master? o yung Treat?.
2. Kung yung master man ang nagbago, anu ang dapat gawin ni Doggy para manumbalik ang dating samahan nila ng kanyang amo?.
3. Anu kaya ang katapusang ng story na to? They live happiliy ever after ba? well kayo na ang makakasagot nyan.
Un lang muna for now, till then Chill out.
May regalo ka na ba sa mga inaanak mo?
December 19, 2008Wahh pasko na naman, although wala sa relihiyon namin na mag diwang ng ganitong okasyon, dala na rin siguro ng nakagawian, eh ikanga napapasabay na rin sa panahon. Anyway that’s not my point, what in trying to share with you guys is about being a ninong/ninang tuwing pasko. In my case eh ninong ako ng 2-3 kids(wah ilan bahh?), hahaha nde ko nga alam kung ilan sila eh. Ninong ako sa mga anak ng barkada and friends ko pero ni isa eh wala naman akong nadalohan na baptismal. Haha sabi lang sa akin ng mga parents nila an ninong raw ako. (As if i have a choice not to accept it?) yun na yun.
It’s fine to be a guardian, 2nd parent nga ang tawag ng iba nun..- wow ha ang tindi. Yun nga lang pagpasko na eh nakagawian na DAPAT eh magbigay ng regalo ang mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak, kaya sakit sa bulsa yan esp crissis na ngaun at worst in my case, IM JOBLESS wahhhh. Pero masaya talaga pag nakakatanggap ka ng regalo galing sa mga ninong at ninang mo, hehe yan din kse feeling ko nung bata pa ako.
Uhm pagdating sa mga inaanak eh cguro wala ng tatalo sa BEST ko biro mo she already have 12 kids at 27? (and counting…) check her blog about it : http://iceage.blog.friendster.com/?p=26 . Last week nga eh grabe ang shopping rush nya. We went to novo and other “intsik-intsik” store (or that what we call it) to buy gifts para sa mga inaanak niya mura na kase at marami ka pang mapagpipilian. hahaha
As of now 2 pa lang na gift ang nabili ko (snoopy stuff toy) galing sa UKAY, hehe yan pa ang kaya ko sa ngayun eh pero naman maganda at durable yung ibibgay ko hehe. (yung pwede pa nilang ibigay sa mga magiging inaanak nila) hahaha.
Eto yung picture edited ko lang yung post para kay Vanny. hihi ehem this worth only 60php each (shhhhhh) hahaha
well that’s for now, till then chill.
Twilight
December 18, 2008Out from boredom, i decided to watch this movie entitled TWILIGHT, may mga haka-haka kase na maganda raw tong movie. As i watch the movie, eh may napasin akong ilang mga points na nais ko i-share sa inyo. (malay natin pareho rin pala tayo na observation diba?
Una eh mabagal ang pace ng story. - cguro sa expectation ko lang to kase pag sinabing vampire eh (action, gore, blood, fight scenes) pero sa palabas nato eh more on kilig-kilig moment eh hehe.
Are they really vampires? - Maybe the makers of this movie is making a new views ideas about vampires or may be the cast were ibang breed of vampires? As far as i could remember since bata pa ako i love watching vampire movies pero of all the movies i’ve watched eh sila ang naiiba. Why? they almost defy all the things about vampires. For instance, they are not sensitive to sunlight (exept blade - the day walker) but they do have diamond-decorated skins, they have reflection in mirrors (which most vampires don’t have) and most of all thay don’t have extended canine (fangs). WHAT vampire wtih no FANGS oh come on…
What’s with the big eyebrows? - no comment baka kase daming mag react na girls na twilight fanatic hehe.
The conflict? - A typical vampire movie kase esp pag vampires yung bida eh sila yung dehado. i.e dehado sa skills, numbers, yung ikanga eh talunan pero at the end sila yung nagwawagi. but in this movie eh iba, 3 villains against seven, nagsumbong pa yung isa (nakipag peace hehe) basta lumalabas na 1 villain ( with extraordinary skill daw - eh wala naman akong nakita) at yung isa ng girl na villain na hihirit pa ata ng TWILIGHT 2 against 7 members of the bida family. Sa mga hinde pa nakakapanod nun eh guess what happened? Tumakas yung 7 vampire na bida. trying to distract the villain vampire…sabi nga nung bidang guy sa simula eh there outnumbered 3 to 7. wahhh ANG GULO KO !!! Ah basta aabangan ko na lang ang comming ng underworld movie. hehe cguro na set lng ang expectation ko sa mga vampires sa mga movie like blade, vanhelsing, underworld etc.
In general, for me twilight is a nice move para sa mga inlove and fond of love stroy ang cutie-cuties.
Un lng muna for now. till then, chill out like a skin of a “cold one”.
It’s always been you! - a flyff short love story movie
Whew! at last eh meron na akong unang i-popost maliban sa first-time ekek. although medyo late na rin to. i just wanna share with you guys yung ikanga eh parang accomplishment namin ni best.
Its a 7-mins short movie na ginawa namin para ilaban sa “FLYFF - movie making contest” (valentine’s day event last feb-march 2008) at weeeee!!! nanalo po kami ng 3rd place. We won a 1,000 php worth of online cupons. (ipinnagyabang pa). Para sa mga hinde pa nakakaalam, ang flyff eh isang online game (of all ages) hahaha. We eto na yun entry namin. hope you’ll like it.
Mga online flyff characters namin ni best ang mga tauhan ng palabas na yan at may mga ilang extra, hehe (youll see the cast sa end ng movie). Honestly eh medyo nahirapan kami ni best na gawin to dahil gahul kami sa oras. Natapos namin ito from script to video editing in just 2 days! Ako yung naiging in-charge sa pagcapture ng mga video clips, pagpagalaw ng mga actors at si best naman ang nag-edit, compile, at finalized para maging isang napakacute na short movie (walang kokontra ha!)
so sit back, relax and enjoy the show.. ’till then, chill out
There’s always first time for everything. (lisud kaayo kay perstaym man gud)
December 17, 2008And this is my very first blog in this site… sana ay maging matagumpay ako sa pagpaphayag ng aking saloobin sa blog site na ito..
Ba’t itong site na ito ang napili ko?
uhmm kase cute ang mga templates at pangalan mo mismo ang nasa URL at “i.ph” lng ang idurogtong mo. Diba?simple pero ROCK!
Ano ang magiging laman ng blog na ito?
Siguro eh susubukin kong ipahayag sa abot ng aking makakaya ang mga bagay-bagay na mahahagip ng aking ISIP at IMAHINASYON. hahaha!
Mensahe ko sa mga makakabasa nito?
Una, eh paumanhin sa mga hinde ko ka-”frequency” kase malamang eh sasakit lang ang ulo nyo sa kakaisip kung anu ang nais kong ipahiwatig. (peace) At para sa mga matitiyaga. eh salamat at naway may naintindihan kayo sa mga sunulat ko. (sabi kase nila write to express not to impress) pero yung totoo eh I have very poor skills in writing. i hope blogging may able enhance it in one way or another.
So anu na ngayon?
Uhmm… Sa ngayon eh blangko pa ako. Naka”focus” ako sa pag edit ng lay-out kase hinde ko pa gaanong kabisado. Sabi nga ni RK (kuya ng gf ko) ganyan lang daw yan sa simula. (haha! sana nga sa simula lang) .
un lang chill out!





