Home » Post Item » the Pet, the Treat and the Master.
Don't worry about failure; but worry about the chances you'll missed when you don't even try.

the Pet, the Treat and the Master.

December 20, 2008

 Oh it’s 1:00 AM already, way past bedtime and “computer-use” allocated time. uhm so much for that… I was about to sleep when i remember a “non-sense” story about a pet (i can’t remember what kind of pet it was but for the sake of the story, well just say that its a dog named Doggy).

So as every story begin, this one started with ONCE UPON A TIME, there was this pet na nagngangalang Doggy.

Masaya siya sa piling ng kanyang amo lalo na kung binibigyan siya nito ng pagkain at papuri sa tuwing nagagampanan nya ang mga pinapagawa sa kanya ng kanyang amo.

Naging masaya sila sa isat-isa sa mahabang panahon na sa akala ng lahat ay magpakaylanman. Subalit hinde naging ganoon ang nangyari, naisip ni Doggy na parang may nagbago ata. Hinde lang niya alam kung siya ba o ang amo niya ang nagbago.

Noong dati kase ay sa tuwing nakakawaga siya ng mga bagay na ikinatutuwa ng kanyang amo eh binibigyan siya nito ang pagkain o “treat” ikanga,  ngunit sa paglipas na araw, buwan at taon, napansin niya na hinde na siya gaanong bibigyan ng kanyang amo ng treat, kaya ang ginawa niya ay mas lalo pa niyang pina-igi ang pagsunod at pagpapasiya sa kanyang amo.

Sinusunod niya lahat ng pinapagawa sa kanya, pinuprotektahan niya ang kanyang amo sa mga pagkakataong kailangan niya nito, at ginawaga niya ang lahat ng abot ng kanyang makakaya para mapagaan ang buhay ng amo niya.at pero umaasang manubalik ang dating pagtingin ng amo niya sa kanya at pagbigay ng pagkain.

Dumaan pa ang mahabang panahon at wala ring nangayari. At ang labis na pinagtataka pa ni doggy ay sa minsang pagtanggap niya ng pagkain galing sa kanyang amo ay walay wala na itong gaanong lasa o nawawalan na siya ng ganang magbiigay.

Minsan nga eh naisipan na ni Doggy na lumayas na lang at maghanap ng ibang amo, subalit  ang labis na pinagtataka lang ni doggy ay bakit sa kabila ng lahat eh yung pagkain na galing sa amo niya ng kanyang hinahanap-hanap. Kaya cguro eh hanggang ngaun eh ginagawa parin nya ang lahat ng kanyang makakaya para manubalik ang samahan nila ng kanyang amo. 

WAHHH im droopy na.. at wala na akong maisip nakatapusan ng story ko. kaya bago ko pa man kayo I chill-out eh iiwan ako sa inyo ng ilang katanungan:

1. Sino sa palagay nyo agn nagbago? Yung Pet?, Yung Master? o yung Treat?.

 2. Kung yung master man ang nagbago, anu ang dapat gawin ni Doggy para manumbalik ang dating samahan nila ng kanyang amo?.

3. Anu kaya ang katapusang ng story na to? They live happiliy ever after ba? well kayo na ang makakasagot nyan.

Un lang muna for now, till then Chill out.

Posted by athan at 1:35 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment